bag : sisidlan na maaaring bitbitin o isabit sa balikat o likod, gawa sa tela, balát ng hayop, papel, plastik, o iba pang kauri.
ba•gà : bahagi ng katawan ng tao o anumang vertebrate na may kaugnayan sa paghinga, sinasalalayan ng tadyang, at nagdadalá ng hangin sa dugo
bá•ga-bá•ga : isdang-alat (family Holocentridae) na makináng, matigas, at matibò ang kaliskis, matinik ang ulo, at tumitirá sa mga korales