NGC 3109

Ang NGC 3109 ay isang maliit na galaksiyang espayral na may bara na uri ng Magellanic o galaksiyang hindi regular na may layong 4.35 milyong taong-liwanag mula sa Daigdig[1][2], sa konstelasyon ng Hydra. Pinaniniwalaang nakikipag-ugnayan ang NGC 3109 sa Dwendeng Antlia, isang dwendeng galaksiyang eliptikal, sa pamamagitan ng interaksyong tidal. Natuklasan ito ni John Herschel noong Marso 24, 1835 habang siya ay nasa lugar na ngayon ay tinatawag na Timog Aprika.[3]
Mayroon itong diyametrong isophotal na humigit-kumulang nasa 12.80 kiloparsecs o 41,700 taong-liwanag.[4][5] Inuri ito bilang isang galaksiyang hindi regular na uri ng Magellanic,[6] bagaman maaaring isa itong maliit na galaksiyang espayral. Kung napatunayan na ito ay isang galaksiyang espayral, maaari itong maging pinakamaliit na galaksiyang espayral sa Lokal na Pangkat.[7]
Ang NGC 3109 ay isa sa mga pinakamalapit ng mga galaksiya na karaniwang itinuturing na bahagi ng Lokal na Pangkat at matatagpuan sa pinakalabas na bahagi nito. Isa ito sa mga galaksiyang may pinakamababang metalisidad sa Lokal na Pangkat at kabilang sa mga galaksiyang bumubuo ng bituin na kakaunti ang metal.[8]
Tingnan din
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ I. D. Karachentsev; V. E. Karachentseva; W. K. Hutchmeier; D. I. Makarov (2004). "A Catalog of Neighboring Galaxies". Astronomical Journal (abstract). 127 (4): 2031–2068. Bibcode:2004AJ....127.2031K. doi:10.1086/382905.
- ↑ Karachentsev, I. D.; Kashibadze, O. G. (2006). "Masses of the local group and of the M81 group estimated from distortions in the local velocity field". Astrophysics. 49 (1): 3–18. Bibcode:2006Ap.....49....3K. doi:10.1007/s10511-006-0002-6. S2CID 120973010.
- ↑ "Irregular Galaxy NGC 3109". Inarkibo mula sa orihinal noong 2007-11-07.
- ↑ "Detailed Information for Object NGC 3109". NASA/IPAC Extragalactic Database. Inarkibo mula sa orihinal noong 2025-11-12. Nakuha noong 2026-08-18.
- ↑ "Results for object NGC 3109". NASA/IPAC Extragalactic Database. NASA and Caltech. Nakuha noong 2026-08-18.
- ↑ Aparicio, A.; Herrero, A.; Sánchez, F. (1998-06-13). Stellar Astrophysics for the Local Group: VIII Canary Islands Winter School of Astrophysics (sa wikang Ingles). Cambridge University Press. ISBN 978-0-521-63255-3.
- ↑ Sauvage, Marc; Stasinska, Grazyna; Schaerer, D. (2002-07-31). The Evolution of Galaxies: II - Basic Building Blocks (sa wikang Ingles). Springer Science & Business Media. ISBN 978-1-4020-0622-7.
- ↑ Hidalgo, Sebastian L.; atbp. (2008). "The Disc-Halo Structure of NGC 3109". The Astronomical Journal. 136 (6): 2332–2342. Bibcode:2008AJ....136.2332H. doi:10.1088/0004-6256/136/6/2332.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Astronomiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.