Pumunta sa nilalaman

Asolo

Asolo

Città di Asolo
Lokasyon ng Asolo
Map
Asolo is located in Italy
Asolo
Asolo
Lokasyon ng Asolo sa Italya
Asolo is located in Veneto
Asolo
Asolo
Asolo (Veneto)
Mga koordinado: 45°48′N 11°55′E / 45.800°N 11.917°E / 45.800; 11.917
BansaItalya
RehiyonVeneto
LalawiganTreviso (TV)
Mga frazioneCasella, Pagnano, Villa d'Asolo
Pamahalaan
 • MayorMauro Migliorini
Lawak
 • Kabuuan25.37 km2 (9.80 milya kuwadrado)
Taas
210 m (690 tal)
Populasyon
 (2018-01-01)[2]
 • Kabuuan9,089
 • Kapal360/km2 (930/milya kuwadrado)
Tawag sa tagalugarAsolani
Sona ng orasUTC+1 (CET)
 • Tag-init (DST)UTC+2 (CEST)
Kodigong Postal
31010
Kodigo sa pagpihit0423
Santong PatronSan Prosdosimo
Saint dayNobyembre 7
WebsaytOpisyal na website

Ang Asolo (Italyano: [ˈaːzolo] Venetian: Àxol ) ay isang bayan at comune (komuna o munisipalidad) sa lalawigan ng Treviso, rehiyon ng Veneto, hilagang-silangang Italya. Kilala ito bilang "Ang Perlas ng lalawigan ng Treviso", at kilala rin bilang "Ang Lungsod ng Sandaang Abot-Tanaw" dahil sa mga tagpuan nitong bundok. Isa ito sa I Borghi più belli d'Italia ("Ang mga pinakamagandang mga nayon ng Italya").[3]

Kabilang sa frazione nito (mga sitio o nayon) ang Casella, Pagnano, at Villa d'Asolo.

Ang Moog ng Asolo

Ang bayan ay orihinal na isang pamayanan ng mga Veneti, at nabanggit bilang Acelum sa mga akda ni Plinio. Ang mga mamamayan nito ay kabilang sa tribong Romano na Claudia . Ito ay tinawag na Acelum sa mga akto ng isang sinodo na ginanap sa Marano noong 588 o 591, dahil ang isa sa mga kalahok ay si Agnellus episcopus sanctae Acelinae ecclesiae ; ang pangalang Asolo ay ginagamit na noong panahon ng isang sinodo na ginanap sa Mantua noong 827 (o marahil 835), kung saan nabanggit ang pakikilahok ni Arthemius episcopus Asolensis. Noong 969, itinalaga ni Emperador Oton I ang teritoryo ng diyosesis ng Acelum/Asolo sa Diyosesis ng Treviso. Ang aksiyong ito ay maaaring may kaugnayan sa pagkawasak na dulot ng mga mananalakay na Unggaro na noong 899 ay tinalo si Berengar I ng Italya malapit sa bayan. Gayunpaman, isa sa mga obispo sa isang sinodo sa Roma sa ilalim ni Papa Leon IX noong 1049 ay tinawag na Ugo ng Asolo.[4] Hindi na isang residensiyal na obispo, ang Acelum ay nakalista na ngayon ng Simbahang Katoliko bilang isang tituladong luklukan.[5]

Larawan ni Caterina Cornaro

Noong 1798, itinayo ng Italyanong impresario na si Antonio Locatelli ang Teatro Asolo sa dating bulwagan ng mga manonood ng kastilyo ni Caterina Cornaro.

Ebolusyong demograpiko

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Makasaysayang populasyon
TaonPop.±%
1861?—    
18715,451—    
18815,813+6.6%
19015,832+0.3%
19116,564+12.6%
19216,741+2.7%
19316,413−4.9%
19366,710+4.6%
TaonPop.±%
19517,078+5.5%
19616,253−11.7%
19716,161−1.5%
19816,285+2.0%
19916,651+5.8%
20017,648+15.0%
20118,931+16.8%
20218,960+0.3%
Source: Datos mula sa ISTAT

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. ↑ "Superficie di Comuni Province e Regioni italiane al 9 ottobre 2011". Istat. Nakuha noong 16 Marso 2019.
  2. ↑ "Popolazione Residente al 1° Gennaio 2018". Istat. Nakuha noong 16 Marso 2019.
  3. ↑ "Veneto" (sa wikang Italyano). 10 January 2017. Nakuha noong 31 July 2023.
  4. ↑ Antonio Barzon, Padova cristiana.
  5. ↑ Annuario Pontificio 2013 (Libreria Editrice Vaticana 2013 ISBN 978-88-209-9070-1), p. 840

Bibliograpiya

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  • Giorgio Fossaluzza; Museo civico (Asolo, Italy) (2014). Il Museo civico di Asolo : opere dal Quattrocento al Novecento (sa wikang Italyano). Crocetta del Montello (Tv, Italy): Antiga edizioni. p. 635. ISBN 9788897784395. OCLC 894896525.
[baguhin | baguhin ang wikitext]