Naging habit ko na ang pagpasok ng maaga sa trabaho. Dahil medyo malayo ang ang call center na pinapasukan ko, at forever graveyard shift ang account namen, pumapasok ako 3 hours before my shift. Hindi ito dahil sa gusto ko mapromote from agent to OM agad, pero praktikal kase na mag byahe ng maaga kase hanggang 9pm lang pwedeng pumasok ng tricycle sa village namen. Kung aalis ako ng bahay after 9pm, mala alay lakad ang gagawin kong paglalakad mula bahay hanggang gate ng village. So naging routine ko na ang pagpasok ng super aga.
Bukod sa pagyoyosi at pagmamaganda sa callcenter, I spend my idle time sa sleeping quarters para chumorva. chos!!! Syempre, natutulog ako sa sleeping quarters for 1 and a half hour bago ako gumising at kumain sa pantry ng midnight meal ko. My shift usually starts at 12midnight and ends at 9am. Sabi nga ni Tyra "the most important item in your make up bag is a good night sleep". So I make it a point na magpahinga at matulog sa office bago magstart ng trabaho.
Mayroon akong paboritong kama sa sleeping quarters. Yung kama sa sulok. Dahil sulok siya, hindi ako kita ni manong guard pag nagtitikol ako. CHAROTH! Kidding aside, mahilig talaga ako matulog sa sulok at nakaharap sa dingding.
Sa paboritong kama ko din na experience ang mga bagay na hindi ko maipaliwanag.
One night, pagdating ko sa sleeping quarters, napangiti ako kasi bakante yung favorite spot ko. So ibinaba ko na ang bag ko dun sa kama at hinubad ko na yung polo ko para di malukot. Tanging bra at panty na lang ang suot ko. ching! Naka sando and slacks ang usual attire ko pag natutulog doon. Humiga ako at ipinikit ko na ang mga mata ko. Dahil isa akong "masan" (masandal lang eh tulog na), hindi ako nahirapang matulog. Alam ko na tulog na ako noon. Feeling ko nga andami kong napanaginipan noon. Hanggang sa hindi ko alam pero hiningal ako at napa hinga ng malalim sabay exhale ng mahaba.
Kasabay noon, napadilat ang aking mga mata.
Gising na ako. Anung oras na ba?! Pag dilat ko, tanging kisame lamang ang naaninag ko. Weird kase hindi ako natutulog on my back. I never do. I always sleep ng nakatagilid. When I woke up, I was lying on my back looking directly sa ceiling. I looked at it for a moment. Until something happened.
From my peripheral vision, I saw a black figure. I wanted to turn my head to the side to see what it was but my whole body is frozen at hindi ko maigalaw kahit mga mata ko. Parang I felt paralyzed. I wanted to scream but I cant even open my mouth. Wala ding lumalabas na boses sa lalamunan ko. Tuyong tuyo ang lalamunan ko that time and uhaw na uhaw ako.
The black figure on my periphery started to move. palaki siya ng palaki.
Duon ko na realize na hindi siya actually lumalaki, kundi lumalapit siya sa akin.
Dahan dahang lumalapit sa akin... unti unti. Tsaka ko na realize ang hugis ng itim na pigura. Hugis tao. Hugis itim na babae. unti unting papalapit sa akin. Nanatiling naka pako ang mata ko sa kisame. Hindi ko maigalaw ang buong katawan ko, Nagsusumigaw ako pero walang boses akong nalilikha. Tumigil ang paggalaw nung itim na babae, at namalayan ko na lang na nakatayo na siya sa gilid ng kamang hinihigaan ko.
At naramdaman ko na lang na may kamay na humawak sa balikat ko.
Napabalikwas ako sa pagkakahiga that moment. Nagulat si manong guard sa bigla. kong pag upo sa kama. Si manong guard pala yung tumapik sa balikat ko. Ginigising ako kasi naghabilin ako sa kanya bago ako matulog na gisingin ako ng 11:30pm.
Tinignan ko yung gilid ng kama. Wala na yung babae. Hindi ko alam kung panaginip lang yung na experience ko or bangungot or astral projection. That experienced happened to me 3 more times, laging duon sa favorite spot ko, duon sa kama sa sulok. After the third time na nangyari sa akin yun, I decided na lumipat ng pwesto at duon sa malapit sa pwesto ni manong guard humiga para madali ko siyang maakit. Chos lang! After I switched places, hindi na ulet nangyari sa akin yun.
Not until last night.
Last night, dito na sa Norway, my daddy
Nox and I were chatting via skype for hours. Nasa bahay siya ng pinsan nya at nakikipag inuman. When he decided to go home, we agreed na aantayin ko siyang maka uwi sa kanila para itutuloy namin yung
SOP skype chat at kwentuhan. Dahil nakahiga na din ako sa kama, nakaidlip ako habang nagaantay.
Bigla akong nagising sa pagkakaidlip, hingal na hingal, tuyong tuyo yung lalamunan. What's weird, alam ko na gising ako pero naririnig ko yung sarili ko na humihilik. I tried getting up mula sa pagkakahiga, pero hindi ko maigalaw yung katawan ko.
Then may tumunog ng napakalakas. May Instant message ako sa Chikka. Naka salpak pa pala yung headphones sa tenga ko nung naka idlip ako. Gising na ako finally. Nagtext si dad sa Chikka ko at yung tunog ng IM txt nya ang gumising sakin. Buti na lang at sa chikka nag text si daddy at hindi sa cellphone ko (usually, sa cp ko cya nagtetext). Nagising ako sa text nya.
Weird experience. Ayoko na ulet mangyari yun. Baka hindi na ako magising.